Martes, Marso 28, 2017




Tata Selo

(Rogelio “Sikat” Sicat)


 


          Sa buhay, may mga taong mahilig mang agaw ng mga bagay na hindi naman sa kanila. Mga taong mapagsamantala sa mga panahong tayo ay nangangailangan ng tulong. Kunwari tumutulong ngunit may balak na palang iba. Tayo naman, iniisip na maganda ang hangarin nila na makatulong sa atin. Tayo’y nabubulag sa katutuhanan at nagmumukhang tanga. Sa katunayan ay inaagaw na pala ang mga bagay na sobrang napaka halaga sa ating buhay. Naranasan mo ba ito? Iyon bang maagawan ka ng bagay na mahalaga sa iyo at gusto mong bawiin muli? Yoong gawin mo ang lahat para mabawi lamang ito? Ipaglalaban mo ba ito o tatanggapin mo nalang na kinuha na ito sa iyo at susuko ka nalang?
         Lahat ng mga tanong na ito ay may koneksyon sa kwentong sinulat ni Rogelio “Sikat” Sicat na may pamagat na “Tata Selo”. Ito ay tungkol sa isang magsasakang nagngangalang Tata Selo na pinagkaitan ng karapatan na magsaka sa lupang sinasabi niyang pag-aari nya noon. Nakiusap siya sa Kabesang Tano na hindi sya paalisin dito at kahit paman sya ay nagmamakaawa ay pinapaalis pa rin siya. Kaya wala na syang ibang nagawa kundi tinaga nya ang Kabesa.
          Sa kwentong ito, dito malalaman ang karumaldumal na pangyayaring naganap sa buhay ni Tata Selo. Sinasabi ditong ang mga mahihirap ay walang kapangyarihan laban sa mga mayayaman. Sinasabing ang may kapangyarihan ang naghahari sa lugar, kumbaga sila ang sumisikat na ilaw sa madilim na sulok.

1.    PAGKILALA SA MAY AKDA

          Si Rogelio R. “Sikat” Sicat ay isinilang noong June 26, 1940 sa San Isidro, Nueva Ecija. Ika anim sya sa walong magkakapatid nina Estanislao Sicat at Crisanta Rodriguez. Noong 1950 ay lumuwas siya ng Maynila upang magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging Campus Writer at Literary Editor ng The Varsitarian , tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na Pioneers ng Philippine literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga "Western Writers".Ang mga gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin at nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at noong1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto , sumunod sa mga magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa Literary History bilang Fictionist, Playwright at Professor, at ang pagiging Dean sa University of the Philippines Diliman. “Impeng Negro” at “Tata Selo”, parehong gawa ni Sicat na isinadula sa isang pelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sicat. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at ang dulang "Moses, Moses". Namatay si Sicat noong 1997dahil sa sakit na kanser, pero pinarangalan sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na pinamagatang: “Ang Gubat”: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas.

2.    URI NG PANITIKAN

          Ang Tata Selo ay isang maikling kwento na sinulat ni Rogelio Sicat.

3.    LAYUNIN NG AKDA

          Naisulat ni Rogelio Sicat ang Tata Selo sa layuning maipahayag ang damdamin ng mga mahihirap. Makikita natin sa kwento na ang mga mahihirap ay walang kapangyarihan sa mundo.

4.    TEMA O PAKSA NG AKDA

          Ang kwento ito ay tungkol sa buhay ng isang magsasakang pinagkaitan ng karapatan na magsaka sa lupang dati ay pag-aari niya.

5.    MGA TAUHAN

Tata Selo

          Si Tata Selo ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Siya ang mahirap na magsasakang inagawan ng pag aari ng isang mayamang Kabesa. Habang nasa loob ng istaked ay nakakaawang tingnan si Tata Selo, may kunting luha sa kanyang mata at naniniwala siya na katwiran ang pagtaga niya sa kabesa. Si Tata Selo ay naka suot ng Kupas na gris, may mga tagpi na ang kanyang mga siko at paypay. Ang kutod naman niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid na ng natuyong putik.  At kitang kita ang hirap na pinag daanan sa buhay ni Tata Selo. Palaban sa simula si Tata Selo na katwiran ang kanyang ginawa ngunit ng magtagal ay humina ang kanyang loob at napagtanto na mali parin ang kanyang ginawa na pagtaga sa Kabesa.

Kabesang Tano

         Siya ang mayamang Kabesa na walang pusong pinaalis ang matanda sa sakahang pag-aari niya noon. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ng matanda kung paalisin nya ito. Tinungkod pa niya ng tingungkod ang matanda hanggang ito ay natumba.

Alkalde

          Siya naman ang Alkalde na walang respeto sa matanda. Mapagmataas ito kahit na mas nakakatanda sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat ay mayroon pa rin siyang oras na asikasuhin ang mga krimen na nangyari sa bayan nila.

Hepe

         Mapagmataas din siya at walang respeto sa matanda. Halatang halata na ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang magawa niyang suntukin at murain si Tata Selo kahit na itoy matanda na at naghihina na.

Batang Mangbubukid

          Kahit na hindi siya ang gumanap bilang isang mahalagang tauhan ay ipinapakita niya ang pagiging mapagkumbaba at maalalahanin. Kahit na hindi nya kilala si Tata Selo at hind siya pinapansin nito ay makikita natin na pinapalakas niya ang loob ng matanda.

Saling

          Ang nag iisang anak na maganda ni Tata Selo. Namasukan ito bilang isang katulong sa kanila Kabesang Tano. Pinapakita niya ang pagmamahal sa ama sa pamamagitan ng pagyakap niya nito ng napakahigpit.

6.    TAGPUAN

         Sa simula pa lamang ng kwento ay nakakulong na si Tata Selo, siya ay nasa loob ng istaked. Kung saan linalagay ang mga taong nagkasala, ang mga taong nakagawa ng hindi maganda sa lipunan. Ngunit, para ba siyo ay dapat ilagay dito si Tata Selo?

7.    NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI

          Maganda ang nilalaman ng kwento dahil ito ay makabuluhan at nakapagbibigay ng aral sa mambabasa.

8.    KAISIPAN AT IDIYANG TAGLAY NG AKDA

          Naisulat ito ni Sicat upang mabatid ng lahat na hindi dapat gamitin ang kapangyarihan upang maghari sa mundo at mang abuso ng kapwa tao. Dahil dito sa mundong ibabaw, tayo ay pantay-pantay na namumuhay. Walang sinuman ang pwedeng manakit ng kapwa.

9.    ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

          Ang kwentong Tata Selo ay nagsimula na sa gitna ng kwento kung saan nakulong na si Tata Selo at kinwento na lamang niya ang pagtaga niya sa kabesa.

10.   BUOD

          Mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata Selo kay Kabesa, ito'y naging mainit na usapan ng mga tao at karamihan ay hindi makapaniwala na nagawa nya ito. Sya ay kinausap ng alkalde habang sya ay nasa likod ng mga rehas, at tinanong kung bakit nya nagawa ito. Nakakaawang tingnan si Tata Selo sa kanyang lumang suot na natuyuan pa ng putik. At nanghihina na rin  sapagkat tinungkod siya ng kabesa at sinuntok din at minura ng Hepe. Palaging sagot ni Tata Selo na tinungkod sya ng Kabesa nang subukan nyang makiusap na huwag syang tanggalin sa pagsasaka. Sabi ng binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque na hindi yun sapat na katwiran; paliwanag nya, hindi sya nauunawaan ng mga tao ang nangyari at nagawa nya. May isang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong kung paano na ang kanyang anak, si Saling, na naninilbihan kanila Kabesa. Ayaw nyang masali ang kanyang anak sa nangyayari dahil ayon sa kanya, may sakit si Saling at mas makabubuti sa kanya ang magpahinga at malayo sa kapahamakan. Matapos ang buong araw ng pagsusuri, habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi ni Tata Selo na lahat ay kinuha na sa kanila, wala nang natira sa kanila.